Saved by IT Sir Butch

Saved by IT Sir Butch

Umabot na ng isang oras ay hindi ko pa napapagana ang printer na may wifi sa iPhone ng Panauhin. Kalikot dito, kalikot doon ay hindi ko pa rin ito mapagana at masasabi kong sobra akong nahihirapan. Magkaiba kasi sa kung ano ang proseso ang aking ginawa sa Android Phone kung ikukumpara sa IOS or iPhone. Balak na ng Panauhin na umalis at sa android phone na lang daw ng kanyang Mama gagamitin ang printer ngunit sinubukan ko muli para di masayang ang pamasahe ng Panauhin. Sinabi kong, “Last option po, Sir, tawagan ko lang po ang aming IT.” Kahit Linggo ay sumubok ako kay Sir IT Butch upang makahingi ng tulong. Gaya ng dati ay nasagot ang aking tawag. Sobra akong natuwa na tila nagkaroon ako ng pag-asa. Gaya nga ng aking iniisip ay napagana ito sa tulong ni Sir Butch at sobra akong nagpapasalamat dahil sa tulong niya. Hindi lang kasi ito ang unang pagkakataon na sinagot niya ang aking tawag kahit Linggo at kahit alam kong day-off ni Sir Butch.